My Special Valentine - Hintayin Mong Mahalin Kita — Lani Sarmiento , MySpecialValentines — CharmAngel's Pocketbook Corner

My Special Valentine - Hintayin Mong Mahalin Kita

Hindi matapus-tapos ang pagsermon ni Missy sa sarili. Bakit ba siya nag-suggest sa kapatid ng ganoon?

Dahil sa sobrang pagkadismaya nang malamang siya pala ang pambayad ng ama sa mga utang nito kay Elton, hindi na siya nag-isip nang malinaw. Alam niyang patay na patay ang ate niya sa binata at lalong lalalim ang animosity sa pagitan nila kung matutuloy ang kasal nila ng lalaki. Kung kaya sinabi niya sa kapatid na pikutin nito si Elton. Naisip ni Missy na kung mapipikot ng ate niya ang milyonaryo, hindi na niya poproblemahin pa ang pagpapakasal dito. Balik na agad sa normal ang buhay niya, napasaya pa niya ang kapatid.

Kaya lang, may isang bahagi ng utak ni Missy na ayaw pumayag. Parang mas gusto niyang sarilinin na lang si Elton....