Precious Hearts Romances - 2951 : Pest-free Chance — Dawn Igloria , PreciousHeartsRomances — CharmAngel's Pocketbook Corner

Precious Hearts Romances - 2951 : Pest-free Chance

Kontrapelo agad ang drama nina Heidi at Marco sa una nilang engkuwentro sa isa’t isa. Pikon siya at mapang-alaska naman ito. Pero habang tumatagal, nakikita nila ang endearing qualities ng bawat isa. Hanggang sa mamalayan na lang nilang kapwa hulog na ang loob nila sa isa’t isa.
Kaya lang ay maraming “anay” sa paligid nila na pilit sumisira sa pagmamahalang nabuo sa pagitan nila. Sa bandang huli ay nag-give up si Heidi. Hindi siguro talaga sila ni Marco para sa isa’t isa. Pero nakonsiyensiya siya sa sumbat nito.
“Ipunin mo man ang lahat ng rason kung bakit ayaw mo na sa relasyon natin at kahit valid pa ang mga iyon, hindi pa rin sapat ang mga iyon para tumbasan ang nag-iisang dahilan kung bakit hindi tayo dapat maghiwalay. Mahal natin ang isa't isa. Ipaglaban mo naman ako. Ipaglaban mo naman ang pag-iibigan natin.”
Ngayon, paano pa siya lalaban kung talo na siya? Dahil balita niya ay isinuko na rin siya ni Marco?




0 comments:

Post a Comment