Precious Hearts Romances - 2950 : Estrella's Romance — PreciousHeartsRomances , Vanessa — CharmAngel's Pocketbook Corner

Precious Hearts Romances - 2950 : Estrella's Romance

Mayroong sama ng loob si Estrella sa kanyang malupit na ama kaya nilisan niya ang kanilang hacienda. Ibig niyang patunayan dito na kaya niyang mamuhay nang mag-isa at umunlad sa sarili niyang pagsisikap kaya nagplano siyang babalik lang kapag matagumpay na siya.
Ngunit bumalik siya nang mamatay ang kanyang ama. At ganoon na lamang ang galit niya nang malamang ipinagkatiwala nito ang mga ari-arian nit okay Andres, ang lalaking umagaw sa kanya ng pagmamahal ng kanyang ama.
Mula noon hanggang ngayon ay nakikihati ito sa hindi nito dapat pakialaman. Hindi niya mapapayagan iyon... Ngunit paano na kung ang puso naman niya ang ibig nitong kunin?