Precious Hearts Romances - 1304 : Bituin Ng Puso Ko — All-Time Favorite , PreciousHeartsRomances , Vanessa — CharmAngel's Pocketbook Corner

Precious Hearts Romances - 1304 : Bituin Ng Puso Ko

Kapangalan ni Sharon ang megastar subalit siya’y isang bituing walang ningning—walang pera at minalas pang mawalan ng trabaho.
Nag-apply siya bilang yaya ng pamangking si Mikael na naiwan sa pangangalaga ng masungit nitong tiyuhin na si Bruce.
Batid niyang napilitan lamang ang binata na tanggapin siya dahil sadyang magiliw sa kanya ang bata.
Sa pagdaan ng mga araw, lalong napalapit sa kanya si Mikael. Na siya namang ipinagkaiba ng relasyon nila ng tiyuhin nito. Dahil sa halip na mapalapit at mapalagay ang loob niya rito, tila siya nakatulay sa alambre kapag kaharap ito. Bawat maling kilos niya ay pinupuna nito.
Ngunit hindi niya napigilan ang pag-usbong ng isang kakaibang damdamin para dito. Sa paglipas ng mga araw, tila hindi lamang ang pamangkin ang gusto niyang alagaan, kundi pa rin ito.
Ngunit paano niya iyon maisasakatuparan gayong sa tuwing magkakalapit sila ay tila ito napapaso at iglap na lumalayo?




1 comments:

Unknown said...

tiffany jewelry

bebe clothing

Post a Comment