Umiikot lang ang buhay ni Hiyasmin sa beach house ni Tita Francia, ang taong nagpalaki sa kanya. Nagkaisip na siya sa beach house, nagsibli rito at sa anak nitong si Colette. Ang pinakamalayong narating niya ay ang baybayin sa labas ng bahay na nagagawa lang niya tuwing lumuluwas ang mga ito sa Maynila.
Marahil ay ganoon na lang talaga ang buhay niya, hindi malaya, habang-buhay na magbabayad ng utang-na-loob sa kanyang tita.
Ngunit nakilala niya si Guillermo nang minsang mamulot siya ng mga sigay sa aplaya. Napatanga siya nang matitigan niya ito. Maging ito ay titig na titig sa kanya. Natagpuan niya ang sariling minememorya ang bawat anggulo ng guwapong mukha nito.
Nakikipagkaibigan ito. Pero mabilis niya itong tinalikuran. Ayaw niyang suwayin ang isa sa mga bilin ni Tita Francia.
Ngunit nasilip niyang nakatanaw ito sa bahay.
Pangako, sa susunod na magkita kaming muli, susuwayin ko na si Tita Francia…
0 comments:
Post a Comment