Precious Hearts Romances - BES 5 : Kahit Sa Panaginip — All-Time Favorite , Dawn Igloria , PreciousHeartsRomances — CharmAngel's Pocketbook Corner

Precious Hearts Romances - BES 5 : Kahit Sa Panaginip

Hindi inakala ni Mayumi na sa malayong bayan pa ng Sta. Fe siya makakakilala ng isang prinsipe, si Prince Amir.
Attracted kaagad sila sa isa’t isa. Ngunit nang malaman nitong hindi siya nito kauri, parang bigla itong napaso. In an instant, she was relegated into a slave, an outcast.
Ang sabi nito sa kanya, hindi raw maaaring magkaroon ng relasyon ang isang tulad niya at ang isang dugong-bughaw na tulad nito. Hindi raw pinahihintulutan iyon sa kahariang kinabibilangan nito.
Ang sabi naman niya, ginawang pantay-pantay ng Diyos ang tao kaya posibleng magkaroon ng relasyon ang ordinaryong taong gaya niya at ang katulad nito.
Makumbinsi naman kaya niya ito sa paniniwala niya?