Precious Hearts Romances - 2920 : Kung Sasabihin Kong Mahal Kita ... Payag Ka Ba? — Amanda , PreciousHeartsRomances — CharmAngel's Pocketbook Corner

Precious Hearts Romances - 2920 : Kung Sasabihin Kong Mahal Kita ... Payag Ka Ba?

Kailangan ni Zenobia ng isang guwapo at mayamang lalaki na magpapanggap na boyfriend niya. Wala sa mga kakilala niyang lalaki ang papasa sa kategoryang hinahanap niya, kaya naghanap siya sa escort service website na itinuro sa kanya ng isang kaibigan.
Nakilala niya si Cooper at kinuha niya ang serbisyo nito. Nagkita sila ng lalaki. Pero nang makaharap niya ito ay hindi siya makapaniwalang maaaring maging disente ang isang lalaking bayaran.
Mula sa pagiging old fashioned ay binago ni Cooper ang personalidad niya. Sa tulong nito ay naging isang magandang swan ang noon ay tinawag na “ugly duckling.” Nagulat ang mga kaibigan niya nang dumating siya sa reunion: maganda, moderno, kasama ang boyfriend na guwapo at mayaman.
Kunwa-kunwarian lang iyon. Pero bakit ang kunwa-kunwariang relasyon nila ay gustong gawing totohanan ni Cooper?




0 comments:

Post a Comment