Sa dinaluhan niyang party ng mayayaman, nakasalubong ni Emily ang matiim na titig ng guwapong estrangherong iyon.
“I know of a place na magpapa-relax sa `yo. If you’ll trust me enough…”
Wala siyang nagawa kundi tumango. Sa ngiti nitong iyon, sasama siya rito kahit saan! At nang gabing iyon, isinuko niya rito nang buong puso ang kanyang kainosentihan. At iisa ang dahilan—agad niya itong minahal.
Ang lalaki ay si Marc Anthony del Franco—confirmed bachelor, man lover, playboy of the century. At tinakasan niya ito… dahil natatakot siyang ibigin ang tulad nito.
Caption:
“Itutuloy natin ang kahapon, Lauren. At hindi ka makatatakas hangga’t hindi ko nababawi ang puso ko.”
0 comments:
Post a Comment